Sinusulat ko ngayon ang huling akademikong sanaysay ko sa Pilosopiya, at nilalagom nito ang lahat ng pinag-aralan ko rito sa Ateneo. Tumambad sa akin ang isang napakagandang bagay, at pagguho ito. Ito ang tanong ko sa lahat ng nais maging manunulat, lalo na sa mga nais maging ang tinatawag nilang makata:
Paano ba gumuguho ang salita?
Ibig sabihin: naranasan mo na ba? O bakas lamang ng salita ang naranasan mo? Para sa akin, malapit na iyon, palapit at palapit na ako sa bingit ng pagguho ng salita. Nakakikilabot.