Showing posts with label tangina this. Show all posts
Showing posts with label tangina this. Show all posts

08 September, 2011

Hindi ang nalaman mong bumagsak ka sa pinag-aaralan mong major ang pinakaayaw kong pakiramdam sa mundo. Hindi rin ang nalaman mong namatay ang isa sa mga minamahal mo sa buhay. Ang putanginang pinakaayaw kong pakiramdam sa buong putanginang mundo ay iyong nalaman mong may ibang gusto iyong babaeng nasisimulan mong magustuhan, iyong tipong malapit mo nang aaminin sa sarili na alaala pala niya ang isa sa mga pinakainiingatan mong bagay. Parang bumagsak ka na bago ka pa lang magsimula; parang pinatay ka na bago ka nabuhay.