Showing posts with label ludens. Show all posts
Showing posts with label ludens. Show all posts

07 May, 2010

Tanaga't Dalit

1. Tanaga (Tudlikan)

Noong ako'y nahuling
Nakainom ng basi,
Bibig ko'y humuhuni:
Puso ika'y magmuni!

*

Ang Diyos, natutuwa
Sa ganda. Sa salitang
Dalisay kung lumikha
At sa pagparam, handa.

2. Dalit (Pantigan)

Humulagpos sa salita
Ang liwanag. At napigta,
Sa hiwaga nitong dagta,
Aking isip. Lumilinta.

*

Kung ika'y magpabakuna
Buhay ay maipamana.
Pagkat katawa'y nauna
Sa puso. O, h'wag lang sana!

25 March, 2010

Sipol


ang simoy
   na nagpapatingkad

sa saya
               ng iyong

ngiti,                              ang puyong
    humihigop
     sa aking

      kaluluwa,
    patungo

sa saya
 mong pula Ay  

                    (sapak)

ang bango
   pala