10 December, 2009

Madaling-araw

Wari uha ang hinihilom
Ng palad. Sugat

Sa paggahak, tumutulo sa paanan
Ng bundok. Pinagsisilsil

Ilang nanunuyong punla,
Nananalaytay sa hamog

Ng liwayway; kumikislig sa pagsuyod
Isang kalabaw, sintu-sinto. Namumuo

Sa liwanag mga paayong tapak.
Isang namumulang bakas:

Hiwa sa balat. Pinikpik isang paa.
Sa binungkal, maalasuas

Bumitig ang alangaag. Sa pagbaling:
Tandang lang. Pumupukaw.

2 comments:

frodo said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.