Nais kong ipaalam sa iyo ang nakatagong kasaysayan
ng isang halik, mga buwang pumapaimbulog
patungo nitong sandali, mula sa nakaraan
habang naglalaho ang mga patlang na nilalamanan
ng hininga, at sa huli, magluluwal ng salita.
Oo, nais kong ipaalam sa aking katawan
na muli akong masasaktan, pero hindi ngayon,
alam kong hindi iyon ngayon. Kay ligaya ng paglaho
ng mga espasyo upang umiral ang pagtagpo,
ang pagbalatkayo ang lahat ng tula, lahat ng gabi't lahat
ng pagkakataong natagpuan ko ang sariling nakatanga
sa mabagal na paglalakbay ng isang ulap,
o sa pag-imbay ng mga halaman sa hangin,
lahat nitong bumabalatkayo bilang balat, hininga, balat.

No comments:
Post a Comment