07 December, 2010

Maligayang Kaarawan

Happy birthday Mama. Hindi kita tutulaan. Hindi kita susugatan. Ngayong araw, hindi ko susugatan ang sarili ko. Hindi ako tutula ngayong araw. Hindi kita isasama sa kalungkutan ko. Subalit alam kong mas malugkot ka pa sa akin. At alam kong mas malalim ang mga sugat mo kaysa lahat ng sugat ko. 19 na taon nang naghihilom ang sugat mong ako, at sinusubok kong maging masaya upang may ngiti akong maibigay sa iyo. Patawad, Mama. Hindi ko pa kayang tumawa. Pero ngayon, hindi ako tutula.

No comments: