06 June, 2010

Bugtong


I.

May dala akong rosas noon, naglalakad patungo sa inyo. Naka superhard gel ako't Rayban na shades na hiniram ko pa sa pinsan kong umuwi mula Saudi. Pulang-pula ang mundo, kumbaga. ”Parang nasa Maxx commercial a,” sabi ng utol ko, bago ako lumabas sa bahay. ”Brip mo ba pula? Baka magtaka siyang fenk yan a,” sabi niya, tinatakpan ang bibig na tatawa na. ”Di. Sabihin ko carnation para sosyal,” pabiro kong sagot. Habang naglalakad sa highway papunta sa daan ninyo, tatlong pulang jeep ang dumaan, at may tag-iisang taong nakapula sa bawat jeep na dumaan: Isang baklang sumisigaw ng “Salad o! Salad o!” nang makita niyang nakaporma ako. ”Init pa!” sambat ko sabay nginig. Isang chickababes na nakamini-skirt, kayakap ng drayber. ”Salad o! Init pa!” sigaw ko sabay sipol. At isang matandang nakapulang bestida. Nang nasa daan na ninyo ako, naglalagas ang mga pulang talulot ng punongkahoy ng kapitbahay ninyo’t napabagal ako ng lakad, minamasdan ang paglutang nila pababa sa aspalto. Nang biglang may umiba sa tinatapakan ko. At oo, may bahid ng dugo. ”Shet mehn,” halahak ng mga tambay sa katapat na tindahan. ”Putangina!” ngatngat ko nang palihim, pinapahid ang da-shet na landmine sa damuhan sa gilid ng daan. ”The shet!” talaga ang naging dasal ko nang daglian, bago bumalik ako sa pag-usal ng pananalanging matatanggap mo itong mga rosas kong dala. The shet! talaga, bago ”Lord, sana matanggap niya ’to.” Nang nasa tarangkahan ako ng bahay ninyo, nasilip nga kita sa gilid. Totoo pala ang tsismis, double trouble ka pala. Salad o! Hinihimay-himay pa niya ang kung anong nasa loob ng palda mo, habang inilalamuyot mo ang mga kukong pula mo sa ulong niyang nakajejecap. Nagtago ako sa katapat na talahiban noon, tumulala’t nilalagom ng takipsilim. Naghihintay. Maka-ilang oras, nang lumabas na siya sa bahay mo’t nasa may isang eskinita na, doon ko na siya tinawag. ”Salad o!” sabi ko, nangingiyak, tumatawa. ”Salad o,” nang humahalakhak. Naaalala kong naging napakalutong ng ”Putangina” ko, bago siya lumingo’t naglaho sa pula ang luha’t dilim.


II.

Naglakad ako kasi wala akong pera. Putaragis, sa lahat ng dapat dalhin sa isang date, pera ang hindi ko pa nadala. Lumampas ako sa bahay namin, patungo sa kung saan. Basta malayo. Marahil gising pa ang mga tao sa daan namin. Makikita pa ang mga kamay kong duguan sa tinik ng mga rosas. Tago ang mukha ko sa mga dumaraang sasakyan. Pagdating sa siyudad (at bakit dun pa ako pumunta?), mga lagpas kalahating gabi na iyon. Malayo pala ang barangay natin, ano? Pumasok ako sa gusaling may signboard na ”Cooking ni Ina Mo!” Subalit umakyat pa ako sa huling palapag, kung saan may nakapaskil na ”Male boarder wanted.” Ewan ko ba kung bakit napapunta ako doon. Baka dahil wala akong pera. Baka dahil namumula pa rin ako. ”Tanginang mundong ito,” bulong ko sa bombilyang kumukurap sa kwartong binigay sa akin ng matandang landlady. ”Bukas mo itong bayarin, kundi ipapapatay kita ha,” biro ng ale. ”Oo naman po, ako pa mismo papatay sa sarili ko,” ngumingiti kong sinambit sa kaniya. Naroon ako, tumitingala sa kunwari wishing star na second-hand, paandap-andap, nagpapaasa ng hiling. Nagpapaasa. Naroon ako sa kuwartong dilaw ang unan, luntain ang kumot, at maputi ang mga tabing. Tanging ang pintong papunta ng bubong ang pula. Ang pintong bumubukas rin sa fire exit ng gusali. Ang putanginang pula. Ang putanginang pulang pumikit na sa kaliwang gilid ng t-shirt ko. Buti nga nang di napansin ng ale. Nang binuksan ko ang pintong pula, umalingawngaw ang buong siyudad sa daan-bulwagan ng palapag. Sa kabilang dulo ng marilim na palapag, nahagilap ko ang isang pantig ng pangalan mo, ibinulong ng mundo sa lahat ng nangungupa sa palapag na iyon, naglalaho sabay sa ungol ng aircon at electric fan.


III.

Nasa bingit pa lang ng pagbubukang-liwayway ang araw nang magising ako. Nang bumangon ako, agad kumirot ang likod ko. Magaspang ang sahig ng bubong na nagsisilbi ring sampayan ng ilang mga umuupa. Tanstang kong pulang-pula nga ang mga mata ko habang nandidilat ako. Timing nga, may limang pulang panty ang nakasampay. ”Isa bawat araw,” biro ko sa hangin. Palitan lang iyan. Linisin mo lang pagkatapos, at oks na oks na upang gamitin. Dumungaw ako sa ibaba, at walang sasakyang bumibiyahe. Walang jeep na namamasada. Sa sandali, wari humihimlay ang lahat, habang tumatagos ang araw sa ilang ulap. Nalahiran ng sepia ang mga namumula kong palad, ang naalikabukang damit ko’t pawisan kong mukha. Matapos palisin ang dumi sa suot, muli akong tumingala sa isang ulap. Humihiwa ang araw sa diwa nito. ”Buhay ka pa ba?” pangungusap ko nang mahimbing. ”Saan ka ba tumutungo?” ”Lumilisan ka rin ba?” Malay akong hindi ito kailanman sasagot, pagkat mayroon din akong hindi masasagot at hindi nais sagutin. ”Putangina!” haluyhoy ko. ”Hindi ako tulad mong pwede nalang lumayag!” ”Hindi pa ako kaluluwa,” hikbi ko. Lantad na ang bukang-liwayway noon, habang tumititig ako sa mga palad kong pinaghaluan ng alikabok, dahon, dugo, luha, pangarap. ”Hindi ako pwedeng bumalik nalang,” ngatal ko sabay kuyom. Nagulantang ako sa pagserbato ng isang jeep. Nagsisimula na’ng gumalaw ang mundo. ”Pakshet.” Muli akong sumamo sa ulap, subalit wala itong maibibigay. Wala kailanman. Walang sagot. Umaakyat na noon ang araw, at umaalingawngaw na ang mga sasakyan ng siyudad. Kinakailangang ko ring sumagot: ninanais ko ring lumayag, lumayas, lumaya.


IV.

P
U
T
A
N
G
I
N
A
N
G
M
U
N
D
O
N
G
I
T



2 comments:

Anonymous said...

Di ko ito nagets agad [at di ko parin ata gets] pero natuwa ako habang binabasa ito :D Yay for experimentayshun!

Monching said...

first draft din yan hehe nabasa ko kasi yung fragments mo at gumaya-gaya puto maya ako :D

sagutin mo yung bugtong!