Sumasayad sa lupa ang laylayan ng langit.
Mula sa kanbundukan,
dumudungaw ang mga bituing
inaanino ang kislap
sa lusak.
Nananalamin sa daigdig
ang bulang sagwang
kasinghimbing at alwan
sa nagsasayawang palay.
Sa kapatagan, wari bituin ang itinanim.
2 comments:
found you. :)
now i'm not lost anymore! hey Aikaye :)
Post a Comment