06 February, 2010

Liwayway

Pumapayupoy ang pusa
sa mayuming
ulop

Ng damsak,
nilalanghap ng lasak
ilang panaginip

Sa tabing,
Inilalahid ang mga anino
inilalamuyot

Ang mga ulap
tila bumubulong, bumubudlong
ang li(m)lim


Sa tainga, tumimo
ang tilaok
mainit ngunit paga

Napapawi,
masaligawsaw
ang lambing: maligalig

Ang pagmulat

No comments: