17 January, 2010

Dahil Nilipat ang Palabas

'Di na malalaman kung tawa o hikbi ba ang nakabitin
sa silid; nagsasalaysay si Ryan tungkol sa buhay
talentado, nang maging si Ted, at mula sa idinuwal
na ningas ng isang Mrs. Ira, mga butiking nagsilayas.

"Kahit sasabog pa'ng katawan ko, basta mabuhay tayo,"
Sagot ni Ate, sabay kurot sa tiyan ko't lipat sa BFV.

No comments: