09 January, 2010

Auschwitz

Sumasalangit. Mula
Sa usok, tila linya lang

Lumuluhog, tumitiklop.
Iniluluwal mula sa hininga

Itong aninag: inilalahad
Ang umuuhang sanggol

Sa langit, nanginginig.
Sa silid, kubkob ang bitig

Ng palad, kasama sa sukal
At libag. Sa durungawan

Tumatagpas ilang sinag
Bumubulong. Subalit

Batugan ang araw;
Nang idinuwal isang

Langhap, nilikom ang paga
At kumakapal na banil.

Sa estasyon, tila tanong
Isang alulong: Pang-ilan—

Tila umaalimuom:
Ich muβ mal.

No comments: