02 December, 2005

Ikaw Nga

Ika nga’y lumilipad,
Na walang pakpak, na walang alanganin,
Na tunay kong pag-ibig ay hanging kumakatawan,
Kumakatawan ng walang-wala, ng ako.

Pero ikaw nga ang himpapawid,
Ikaw nga ang hanging simoy ay kay lamig, ngunit kay sarap,
Hangin na walang ako, ngunit ikaw.
Kumakatawan ng walang-wala, ng ako.
Ikaw nga ang init ng gabi.

Kay tamis nang naramdamin ang iyong init,
Pero kay sakit ng tayo’y maghiwalay,
Pagibig kong tulad ng layang bulaklak,
Kung di madidiligan ay wari mamamatay.

Pero ikaw ang hangin, ikaw ang lamig, ikaw ang himpapawid,
At ikaw nga init at lamig, ikaw rin ay sila.
Ikaw din ay walang-wala, ikaw din ay ako.

Ngunit ika’y ang pag-ibig kong himpapawid,
Ikaw ang pag-ibig kong init, at ang pag-ibig kong lamig.
Ikaw nga din ako, na walang-wala.
Ikaw nga ay pag-ibig.


-Ika 27 ng Nobyembre, 2005

No comments: